Patay ang isang 76-anyos na Australian nang uminom ng sex enhancing tablet sa kasagsagan ng pagtatalik nila ng kanyang girlfriend sa isang hotel sa Ermita, Manila, kamakalawa ng gabi.

Base sa imbestigasyon, nasa kainitan ng pagtatalik ang biktima na si Durdzic Herman Husniva sa kanyang girlfriend, na itinago sa pangalang “Clariss,” sa isang silid sa Mabini Mansion sa Ermita nang pansamantalang tumigil ito upang uminom ng Viagra, isang sex enhancing drug.

Ilang minuto matapos inumin ang tableta, sinabi ni Clariss na biglang tumumba si Husniva at nawalan ng malay.

Sinabi ni PO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District, tinangka pa ni Clariss na bigyan ng paunang lunas ang kanyang lover subalit hindi na naibalik ang pulso nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa puntong ito, tumakbo na si Clariss sa front desk ng hotel upang humingi ng tulong.

Ideneklarang dead on arrival ang biktima dakong 1:00 ng madaling araw sa Manila Doctors Hospital.

Pauwi na sana si Husniva sa Australia bago matapos ang Nobyembre nang mangyari ang insidente. (Jenny F. Manongdo)