SA pangalawang pagkakataon, pangungunahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang Celebrity Ukay-ukay na ilulunsad sa World Trade Center ngayong araw.

Pre-owned at exclusive items mula sa iba’t ibang artista at news personalities ang ipagbibili upang makatulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation para sa underprivileged Filipino children.

“Making a difference in the lives of others takes hard work, perseverance, and a lot of heart,” pahayag ni GMAKF EVP and COO Mel Tiangco. “We are grateful for Tom and Carla’s continued generosity, as well as that of our other celebrity donors, because their support has been instrumental in the fulfillment of the Foundation’s many projects.”

Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang shows na Ismol Family, Del Monte Kitchenomics, Karelasyon at upcoming serye na Because of You, nagawa pa rin ni Carla na maglaan ng panahon upang pumili ng mga item na ibebenta sa Celebrity Ukay-ukay at maghikayat ng mga kapwa artista na mag-donate. “Always a pleasure to lend a hand. With God’s help, Tom and I will work harder this year so GMA Kapuso Foundation can build more classrooms and more schools,” pahayag ng aktres sa kanyang Instagram account. Active si Carla sa pag-promote sa social media sa pamamagitan ng pagbibigay ng exclusive peek sa mga ibebenta sa Celebrity Ukay-ukay.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Nagpasalamat din si Tom sa kanilang mga kaibigan sa industriya na nagbigay na ng donasyon. “Napakalaking tulong ang ibinibigay ninyo sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda, maging ang lahat ng mga tinutulungan ng GMA Kapuso Foundation ay nagpapasalamat din sa inyo,” ayon sa Marimar leading man habang inaanyayahan niya ang iba pa nilang kapwa artista na suportahan ang proyekto.

Bukod kina Tom at Carla, ang iba pang Kapuso artists na tumulong sa proyekto ay sina Christian Bautista, Dennis Trillo, Alden Richards, Betong Sumaya, Joyce Ching, Chariz Solomon, Kevin Santos, Jessa Zaragoza, at Eugene Domingo.

Pati ang GMA News and Public Affairs personalities na sina Arnold Clavio, Rhea Santos, Susan Enriquez, Suzi Entrata-Abrera, Nelson Canlas, Lhar Santiago, Cesar Apolinario, at Nathaniel “Mang Tani” Cruz ay nag-donate rin ng pre-loved items.

Kasama rin sina Cheska Garcia-Kramer, AJ Dee, Alyanna Martinez at Cecile Zamora-Van Straten sa iba pang personalidad na nag-donate.

Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng kakaiba at de-kalidad na items at gift ideas mula sa inyong paboritong celebrities sa Tom and Carla’s Celebrity Ukay-Ukay booth ngayong November 26-30 sa World Trade Center, at sa December 18-20 naman sa SMX Convention Center. May celebrity auctions din na magaganap bawat bazaar weekend.

Maging instrumento ng pag-asa at makibahagi sa pagbabago ng buhay ng kabataang Pinoy sa pamamagitan ng pagsuporta sa Tom and Carla’s Celebrity Ukay-Ukay. Lahat ng proceeds ay mapupunta sa pagpondo ng mga proyektong inilaan para sa school development, pagbibigay ng basic school supplies, at sa special Christmas projects ng Foundation.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, pumunta lamang sa GMAKF website sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation.