Kinuyog ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang pagkambiyo hinggil sa 2016 presidential elections.

Binatikos din nina Reps. Carol Jane Lopez (Yacap Party-list) at Xavier Jesus Romualdo (LP, Camiguin) ang inihayag umano ng kampo ni Duterte na solido ang suporta sa kanya ng Mindanao.

“Ako’y taga-Mindanao (General Santos City) subalit ako ay sumusuporta kay Roxas. Davao City is not entire Mindanao. Isang lugar lang ‘yan,” giit ni Lopez.

Naniniwala rin si Romualdo na hindi loyal ang mga botante sa isang rehiyon lamang kundi sa buong bansa, at iboboto nila ang taong makapagsisilbi nang maayos at tapat sa mamamayan.

National

VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Sa halip na puntiryahin ang disqualification case, pinayuhan ni Romualdo si Duterte na tutukan ang mga legal na balakid sa pagkandidato nito sa pagkapangulo sa susunod na taon.

“They raised valid points (against Duterte’s candidacy). It has become more (legally) complicated for him, even more complicated than (the case of) Senator Poe,” ani Romualdo.

Una nang sinabi ni Duterte na nagbago ang kanyang isip at nagpasya siyang sumabak sa presidential race, dahil hindi niya masisikmura na ang maupo sa Malacañang ay isang banyaga, na malinaw na pinasaringan si Sen. Grace Poe, na nahaharap sa apat na disqualification case sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi naman ni senatorial candidate Edu Manzano na hindi katanggap-tanggap ang rason ni Duterte sa kanyang pagtakbo sa 2016.

“He should run if he wants to serve the Filipino people even without Grace. As a matter of fact, people should run not because they are sure to win, they run because they have an ardent desire to be of service to the Filipino,” ani Manzano. (BEN ROSARIO)