ANJO (1) (1) copy

ISA sa supporting characters ng Doble Kara si Anjo Damiles. Baguhan pero swak ang pasok ni Anjo dahil may chemistry sila ni Julia Montes, ang bida sa serye. 

Sa totong buhay, type ni Anjo ang kanyang leading lady. In love, sa madaling sabi. Sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice, nabanggit niya kay Vice Ganda na tumitiyempo pa siya bago kunin ang phone number ng aktres. Kaya nagulat siya nang tawagan ng show si Julia at ipakausap sa kanya.

“Nagulat ako actually na tinawagan nila si Julia. Hindi ko ini-expect ‘yun, kaya gulat na gulat ako nu’ng time na ‘yun. Nu’ng sa GGV triny ko kuhain pero sa personal hindi ko malapitan para kunin. Talagang andito pa rin ‘yung kaba ko,” tumatawang sabi ni Anjo nang makapanayam namin. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi ba sila nagkakailangan sa taping after niyang aminin on national TV na crush niya ito?

“Okay pa rin naman kami,” natawa uling sagot ng binata. “Nagtawanan pa rin, ngitian. She still gives me advice, kasi minsan ‘pag nasa set ako, minsan may tensiyon ako at kinakabahan kasi, siyempre kaeksena ko crush ko. Kapag kaharap ko siya minsan nasa-shock ako,” aniya.

Sa lahat ng kanyang mga nakilala sa showbiz, nag-iisa lamang si Julia na crush niya.

“Kung sa crush lang, si Julia talaga. ‘Yung talent kasi niya kakaiba, eh. Nu’ng una dahil sa talent niya nadala niya ako. Parang nagustuhan ko talaga siya. And ‘yung work niya sobrang love na love niya. Ganu’n din ako kasi. Kapag mahal mo ang isang bagay talagang gagawin mo at gagawin mo lahat. Sa looks, ang ganda ganda niya.”

Marami na raw siyang alam kay Julia, mga bagay na kanyang tini-treasure.

“Medyo makulit din pala siya and malakas kumain,” sabay tawa. “I think that’s good kasi ‘yung body naman niya okay sa kanya, bagay sa kanya ‘yun. Yun lang.”

Sa “Kapamilya Krismas 3” loyalty pasasalamat, nakita namin na tanggap na tanggap na sila ng mahigit 20,000 fans na nanood. (ADOR SALUTA)