xmas1 copy

DINUMOG ang loyalty pasasalamat ng Dreamscape Entertainment sa Mindanao Open Parking area ng Trinoma last Sunday.

Sa hapon ang event pero ayon sa pulisya, alas otso pa lang ng umaga ay nagdadatingan na ang fans ng tatlong serye.

Umabot sa 20,000 ang estimate sa crowd na dumalo sa “Kapamilya Krismas 3”. Tinampukan ang okasyon ng mga bida ng Doble Kara, On The Wings of Love, at Ang Probinsiyano, ang tatlo namamayagpag na teleserye ng ABS-CBN na produced ng Dreamscape.

Trending

LIST: Pet-friendly cafe & restaurants sa Tagaytay!

Unang nag-perform ang in full force na Doble Kara stars. Sumayaw sina Alora Sasam, Anjo Damiles at John “Sweet” Lapus kasunod ng bagong pasok sa serye na si Maxene Magalona. Kumanta rin si Edgar Allan Guzman na ikinakilig ng Doble Kara fans.

Sumunod na nagpasaya ang patok na patok ding mga bida ng On The Wings of Love na sina Nadine Lustre, James Reid at Albie Casiño. Ipinakilala rin ang bagong pasok sa cast na si Ysabel Ortega na game na game subalit todo-hingal pagkatapos kumanta. Kinanta naman ni Albie ang Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin, na bagay sa role niya sa OTWOL.

Sumuporta rin sa “Kapamilya Krismas 3” ang PBB 737 housemates na sina Bailey May at Ylona Garcia.

Sinundan ito ng farewell number ng lead cast ng OTWOL na sina James at Nadine, ang theme song ng seryeng On The Wings of Love.

Walang patid ang tilian ng fans lalo na nang mag-dance showdown sina James at Albie sa tugtog ng Watch Me Whip/Nae Nae.

At ang pinakakaabangan ng lahat, ang pagdating ng buong cast ng top-rating primetime teleserye na Ang Probinsyano.

Nauna munang nagbigay ng song number sina Agot Isidro at Richard Yap. Kumanta rin si Maja Salvador ng Ulan, at kalaunan ay sinamahan siya ni Coco Martin sa stage.

Kinanta ni Coco ang hits ng Eraserheads na Pare Ko, Magasin, at Ligaya, na naging dahilan para magwala ang mga fans. 

Sa closing number ni Coco, inialay niya ang kantang Awit ng Kabataan kasama ang sidekick sa Ang Probinsiyano na si Simon Pineda alyas Onyok. (ADOR SALUTA)