Isang 26-anyos na obrero ang nasawi matapos siyang barilin sa ulo habang nakikipaglamay sa isang kaibigan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang idating sa Gat Andes Bonifacio Hospital si Raymond Rongcales, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng 252 Area A. Gate 1, Parola Compound, Tondo, bunsod ng tinamong isang tama ng bala sa ulo.

Samantala, inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa initial report ni Detective Marlon San Pedro, nabatid na dakong 2:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa isang lamay sa Area A, Gate 2, Parola Compound, sa Tondo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dumalaw sa burol ng isang kakilala ang biktima nang bigla na lang siyang lapitan ng hindi kilalang suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Mistulang walang nangyaring pamamaril, lumakad lang palayo sa lugar ang suspek matapos ang krimen.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, gayundin ang motibo nito sa pagpatay. (Mary Ann Santiago)