Tinupok ng apoy ang anim na bahay sa sunog sa Valenzuela City, nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Valenzuela Fire Station, dakong 5:15 ng hapon nang masunog ang mga bahay sa 25th Street, Fortune Village 5, Barangay Parada ng nasabing lungsod.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na dalawang apartment ang naabo habang apat na barung-barong ang natupok din ng apoy.

Nabatid na nagmula sa bahay ng isang Amalia Cruz ang sunog, subalit hindi pa mabatid ang pinagmulan mula nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Idineklara ng mga bombero na fire out na ang sunog dakong 5:55 ng hapon, at umabot sa P50,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog. (Orly L. Barcala)