Pasado 8:00 ng gabi nitong Sabado nang sumabog ang dalawa sa tatlong granada na inihagis sa isang gasolinahan ng hindi pa pinapangalanang mga suspek, na ikinasugat ng 11 katao sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang 10 sa 11 nasugatan na sina Michael John Cinco, 20, ng Barangay Kalawag 1, Isulan; Alex Sandigan, 33; Anjanette Latip, 21; Sahid Salendab, 27; Alsamer Ebrahim, 22, pawang taga-Columbio; Regina Samson, 14; Davias Padilla, 6; Marissa Joy Villanueva, kapwa taga-Bgy. Laguilayan, Isulan; at ang mag-anak na sina Baltazar Linda, 49; Lenith Linda, 46; at Jazper Linda, 11, pawang taga-Bgy. Bambad, Isulan, Sultan Kudarat. - Leo P. Diaz
National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!