JUANCHO TRIVINO copy

MORE than two years pa lamang si Juancho Trivino sa showbiz, pero natuto na siyang tanggapin ang kahit anong role na ibigay sa kanya ng GMA-7. 

Hindi naman kasi ikinaila noon pa ni Juancho na gusto niyang maging versatile actor kaya bida man o kontrabida, drama man o comedy, okey lang sa kanya. Kaya masaya siya nang makasama siya sa family drama na Little Nanay, bilang ang protective older brother ni Tinay (Kris Bernal) na si Bruce Wayne.

“Nakakatuwa po na dahil ang story ay tungkol sa isang may intellectual disability, kasama rin kaming nag-immersion ni Kris,” kuwento ni Juancho. “Doon po sa SPED school natutunan namin kung paano i-treat ang tulad ng role na ipinu-portray ni Kris. Pero thankful ako talaga rito, dahil nakasama ko ang mga itinuturing na natin icons ng movie industry, sina Nanay Nora (Aunor), Sir Eddie (Garcia) at Tito Bembol (Roco). 

Trending

Kilalanin si Donald Trump at ang muli niyang pagbalik bilang Pangulo ng Estados Unidos

Noong una po ninerbyos kami ni Mark (Herras) dahil kami iyong mga apo nila, pero nag-reach out kami sa kanila. Si Nanay Nora, kinukorek kami kung mali ang approach namin sa eksena, kaya mas naging close kami sa kanila.”

Kasama rin siya sa Bubble Gang, ginagaya niya si Alden Richards as Pambansang Bae at si Denise Barbacena naman ang gumagaya kay Yaya Dub. Thankful sila ni Denise na wala namang nangba-bash sa kanila sa panggagaya nila sa AlDub. 

Ano ang sinabi niya kay Alden nang mag-guest siya sa “DJ Bae” segment nito sa Sunday Pinasaya?

“Nag-congratulate po ako sa kanya, ang layo na ng narating niya simula noong magkaklase kami sa La Salle Canlubang College, pareho kaming Business Management students noon, one year kaming magkaklase, matalino siya at very punctual sa class. Backseat boy lang ako kay Alden na very approachable at heartthrob na siya noon pa.”

Paano siya sisikat kung nandiyan si Alden na ginagaya niya?

“Ang totoo po, inspiration ko siya. Parehas kami ng pinagdaanan, nag-commercial kami, nag-modelling muna kami bago napasok sa showbiz. Sana, iyong mga nakamit niya, one day ay makamtam ko rin, magsisikap akong mabuti.”

(NORA CALDERON)