HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagbabago sa pakikitungo sa entertainment press sina Donna Villa at Direk Carlo Caparas. Naniniwala pa rin ang mag-asawa na malaki ang papel ng mga manunulat sa mga proyekto sa industriya, sa pelikula man o sa telebisyon.

Kitang-kita kina Donna at Carlo ang pananabik na nakasama muli nila ang movie scribes sa ipinatawag na prescon ni Atty. Persida Acosta bilang sa pelikulang Angela Markado (Oro de Siete Films/Viva Films) na may special participation ang PAO chief.

Noong mga panahong aktibo pa sa pagpoprodyus ng pelikula sina Donna at Carlo J. ay sobrang galante sila sa lahat na ikinatutuwa siyempre ng mga manunulat.

Ayon kay Donna Villa, hindi nila talaga kayang iwanan ang mundo ng showbiz dahil nasa sistema na ng kanilang pamilya ang paggawa ng pelikula. Kaya lang, medyo nagulantang daw silang mag-asawa sa pagkakaiba ng sistema ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sobrang napakamahal na raw ng production cost at ganoon din sa promotion ng pelikula. Naintindihan din naman agad ng mga katoto ang ibig sabihin ng mag-asawa.

At least happy na rin naman ang lahat dahil nagbalik na muli sa showbiz sina Direk Carlo J at Donna Villa, huh!

(JIMI ESCALA)