Shaun Livingston, Tony Snell

Warriors sinuwag ang Bulls.

Nakapaghiganti ang nagtatanggol na kampeong Golden State Warriors sa masaklap nitong karanasan kontra sa bumisitang Chicago Bulls matapos ipalasap ang 106-94 panalo upang ipagpatuloy ang perpekto nitong pagsisimula sa ginaganap na eliminasyon ng National Basketball Association (NBA) sa Oracle Arena.

Umiskor si Stephen Curry ng 27-puntos dagdag ang 5 rebound at 4 assist upang itulak ang Warriors sa ika-14 nitong sunod na panalo at lumapit ng husto sa natatanging rekord sa liga na pinakamahabang perfect winning streak na 15 diretso na itinala ng Houston noong 1993-94.

Human-Interest

Kung ikaw si Misis: Payag ka, babaeng co-teacher ni Mister umaangkas sa motor niya?

Gayunman, hindi naging madali ang panalo sa ikaapat na sunod na laro para sa Warriors na kinailangan muling maghabol at agawin ang panalo kontra sa agrebisong Bulls upang mapanatili ang kartada.

Itinala ng Warriors ang franchise record home win streak nito sa kabuuang 26 habang ang season-opening win ng koponan ay inaangat nito sa kabuuang 14 matapos ang panalo sa Chicago.

Pinamunuan muli ni Curry ang koponan sa scoring sa ika-13 pagkakataon sa loob ng 14 na laro habang tatlong kakampi nito ang nagtala ng double figure na sina Harrison Barnes na may 20-puntos, Klay Thompson na may 15 at si Andre Iguodala na may 12.

Naghabol ang Warriors sa unang yugto, 28-29, bago nito unti-unting kinuha ang abante sa ikalawang yugto sa 22-18 at 27-26 sa ikatlong yugto bago ang panghuli na 29-21 puntos sa ikaapat para sa panalo.

Nakabawi naman ang Warriors mula sa hangad nito noon na maitala ang 19-game home winning streak na pinutol nang bumisita ang Bulls sa Oracle Arena noong Enero 2014. Sapul nito ay itinala ng Warriors ang 25 sunod na regular-season home games matapos malasap ang kabiguan.

Hindi rin hinayaan ng Warriors ang pagiging ikalimang koponan sa kasaysayan ng liga na nakapagtala ng perpekto na pagsisimula na 13-0 sa pagpapalasap ng kabiguan sa Bulls na nahulog sa 8-4 panalo-talong kartada.