How wonderful the world would be if we all learn to love without condition. Nakakahiya ka, Alma Moreno! Hindi konseho ang Senado na gusto mong puntahan. Umatras ka upang ‘di ka lalo malagay sa katatawanan. Malamya na ang AlDub, sumisingasing ang Showtime. Wow, napakasigla ngayon. –09072566210

Gusto ko lang po sagutin si texter #09231527185 (Nov. 13). Ang rude naman po ng description mo kay Maine Mendoza.

Tanong ko lang po, may napatunayan na ba ‘yang look mo? Naka-graduate ka na po ba ng college? Mukha naman po kasing walang ginawa ang AlDub at si Maine sa iyo. If you don’t like them, you have all the freedom not to watch their shows. --09366407401

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kung makalait naman kayo kay Vice Ganda wagas, samantalang nu’ng wala pang AlDub ang It’s Showtime ang lagi n’yong pinapanood, lahat ng mga kanta at sayaw na pinapauso nila pinapakinggan at ginagaya. ‘Tapos ngayon, nu’ng nakahanap na kayo ng bago kung anu-ano na ang sinasabi ninyo kay Vice Ganda. Wala namang ganyanan, dapat maging patas kayo, hindi komo sikat ‘yung isa sisirain ‘yung isa. Pero ito lang ang tandaan n’yo, hindi habang buhay andiyan ang AlDub.

Sabi nga ni Kuya Kim, ang buhay ay weather-weather lang. --09330347768

Good day, Reader’s Corner! Naiinis lang ako sa mga opisyales na naninira at pinipilit i-disqualify si Sen. Grace.

Ano ba ang mas importante sa kanila? ‘Yung sila ‘yung manalo at maupo bilang president? O mapagsilbihan ng tapat at tama ang mga mamamayan ng bansa natin? Like sa Yolanda victims, diba napakadaming nag-donate na pera ng mga dayuhan?

Almost billion ‘yun, e, pero nasaan na? May improvement ba sa mga victims na ‘yun? Gusto ko lang i-share ‘to kasi aware din ako at concern bilang isang Journalism student dito sa Maynila. Pero whatever happens, sana mas maging matalino tayo sa pagboto at pagpili. Thank you, BALITA! Hope maging part ako dito someday. Hahaha. God bless. More power! –EY/# withheld upon request.

Napakaganda talaga ni Maine Mendoza. Kahit maganda siya, nahihiya siya na sabihin na maganda siya. Kaya idol kita, kasi hindi ka mayabang. Sana Makita kita sa personal. --09267619377

Coco Martin is second to none. One and only real actor. He is the best to all the rest. He is one of a kind. No one in showbiz world could ever outbest Coco. Dahil sa iyo, Reader’s Corner ng BALITA I now have thousand of friends.

–FRENCH/09195202826

Bakit kaya GMA ang pinag-iinitan ng mga taga-Dos? Eat Bulaga lang naman ang kumakalaban sa kanila. Hindi ba nila kaya ang Eat Bulaga kaya pati GMA inaaway nila? Dapat siguro i-guest ng Bubble Gang ang It’s Showtime hosts para sa segment nila na “Tsugi o Chorva”. Kasi naman ang korni na nila, dapat na silang matsugi. Lagi pa nilang tinatapatan ang AlDub. May ToMiho pa silang nalalaman, ang korni naman! --09333982484