Ang kontrobersiyal na 'away' nina James at Nadine copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin na sinermunan ni James Reid si Nadine Lustre dahil sa seksi nitong kasuotan sa premiere night ng Wang Fam noong Martes.

 

Dahil sa paninita ni James, iisa tuloy ang duda at tanong ng netizens -- kung may relasyon na raw ba sila ni Nadine.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

 

Sakto naman na nakita namin ang kakilala naming taga-On The Wings of Love sa Gazebo ng ELJ Building noong Huwebes ng gabi pagkatapos ng presscon ng A Second Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na maitanong ang real score ng JaDine.

 

“Hindi naman po sila, wala naman kaming napapansin na may relasyon po,” mabilis na sagot sa amin.

 

Ikinatwiran namin na kung ‘wala’, bakit sobrang higpit ni James o bakit niya pinakikialaman ang kasuotan ni Nadine?

 

“Siguro po kasi feeling ni James, accountability niya si Nadine as his leading lady, pinag-iingat niya kasi masyadong seksi ‘yung suot ni Nadine,” paliwanag sa amin.

 

Kinulit pa rin namin ang taga-OTWOL na baka naman may relasyon na ang dalawa pero hindi lang naaamoy ng mga taga-production.

 

“Hindi ko po masasagot, pero if ever na baka nagkakadebelopan na, siguro ang priority nila is career, ‘yung work nila po,” muling katwiran sa amin.

Biro nga namin na baka tinamaan na ang JaDine sa walang humpay nilang halikan sa On The Wings of Love.

 

Hmmm, kukulitin namin bukas ang dalawa sa Kapamilya Krismas 3 lighting sa Trinoma Mindanao parking.

 

Kaya sa mga OTWOListas, sugod na!