Matteo copy

TANGGAP ni Matteo Guidicelli na maaaring hindi makapanood ng MG1 concert niya sa Music Museum sa November 28 si Sarah Geronimo. Paliwanag niya, meron ding sariling concert na pagkakaabalahan ang girlfriend niya. 

“She’s going to have a concert of her own din kasi the week after my concert. Sa December 4 and 5 ‘yung sa kanya sa Araneta. But we’ll see,” sey pa ni Matteo. 

Wala ring diretsahang sagot si Matteo nang tanungin kung manonood siya ng concert ni Sarah. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“We’ll see,” aniya. 

Pero idinagdag ni Matteo na wala siyang mapagsisidlan ng kaligayahan kung mapapanood siya ni Sarah sa kanyang concert. Hindi raw niya maipapaliwanag ang mararamdaman niya kung sakali ngang isa ang kasintahan sa magiging audience niya sa kanyang first ever major concert. 

Ayon kay Matteo, bigatin din ang kanyang mga makaka-duet sa concert niya na sina Martin Nieverra and Morisette.

Umaasa ang Kapamilyang actor/singer na magugustuhan ng concert-goers ang gagawin niyang numbers lalung-lalo na ang pinaghahandaan niya nang hustong duet with Martin and Morisette.

Proud si Matteo sa ginawa niyang pag-aaral ng voice lessons sa University of the Philippines last 2004. Hindi raw niya nakakalimutan ang mga turo pa rin sa kanya ng magaling na voice coach na si Kitchie Molina. 

Wala bang itinuro sa kanya si Sarah? 

“Hindi naman. I mean, andu’n ‘yung pagbibigay niya ng anumang comments everytime na kumakanta ako. Ang sinasabi niya sa akin is to always follow my heart. Sometimes she check this, check that lalo na in hitting high notes,” pagtatapat niya.

 

Natatawang dagdag kuwento pa ni Matteo, kung minsan ay nagdu-duet silang dalawa, pero sa telepono lang daw yun, huh!

Inamin ni Matteo, nang itanong sa kanya ang maintrigang bintang na ginagamit niya si Sarah, na naiirita na siyang magpaliwanag tungkol dito.

“Sometimes it’s irritating because the people don’t know what we go through. Even in show business before, I don’t stick to people to go up, I want to do it on my own.

“Even before I was with Sarah, I really wanted to do this. That’s why hindi kami nagtatrabaho together kasi I really want it separate. We want it separate,” seryosong sabi ni Matteo. 

Hindi naiiwasan na may mga taong gumagawa ng intriga lalo na sa social media, pero madali raw naman niyang bina-block ang mga naninira sa kanilang dalawa. 

“Bina-block ko lang agad. When I see all these bashers, I don’t really care,” naiiling na banggit ni Matteo Guidicelli. (JIMI ESCALA)