Arestado ang dalawang teenager na itinuturong humoldap at nanaksak sa isang babaeng pulis sa Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dakong 10:00 ng gabi nitong Miyerkules nang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 sina Marvin Austria, 18; at Christopher Saradaga, 18, kapwa residente ng Temporary Housing, sa Tondo.

Ayon kay MPD Station 1 Commander Supt. Redentor Ulsano, narekober sa dalawang suspek ang isang .38 caliber na sumpak, patalim, mga bala at anim na sachet na may shabu.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga pulis sa pagitan ng Harbour Center exit gate at Marala Bridge, sa Vitas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Positibo namang kinilala ng biktimang si PO1 Jingky Monsanto, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), ang dalawang suspek na kabilang sa mga nangholdap at nanaksak sa kanya nang maipit siya sa trapiko sa may Radial Road 10, Barangay Capulong, sa Tondo, dakong 5:30 ng umaga nitong Nobyembre 14, habang lulan siya ng motorsiklo patungo sa APEC Summit dry run sa Pasay City.

Matapos na makuha ang kanyang bag at service firearm ay sinaksak pa siya sa balikat ng isa sa mga suspek.

(Mary Ann Santiago)