Sinandigan ng Pateros Austen Morris Associates sina Nic Belasco, Jawar Purdy at Chris Cofield upang gulantangin ang dating unbeaten team ng Pampanga Foton, 93-91, at palakasin ang kanilang semifinal hope sa Filsports Basketball Association Second Conference sa Marikina Sports Complex.

Nakipagsanib puwersa si Belasco, dating PBA star na siyang may- ari at mentor ng team kina Purdy at Cofield sa pagtatala ng kabuuang 68-puntos at pamunuan ang Associates sa kanilang ikalawang panalo kontra apat na talo na nagtabla sa kanila sa No. 3 spot kasama ng Marikina Wangs, Quezon City UP at Malolos Mighty Bulsu.

Umangat ang Marikina Wangs sa nasabing puwesto matapos surpresahin ang reigning First Conference champion Quezon City UP, 90-82.

Nagtala ng 20-puntos si Cedric samantalang 11 at 18-puntos naman si Kojak Melegrito upang pamunuan ang naturang panalo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ginapi naman ng Manila NU-MFT, ang Malolos, 62-60, para sumalo sa Pampanga Foton sa barahang 5-1, panalo- talo sa liderato.

Nagposte si Issa Gayle game best 23-puntos at 20-rebound upang pamunuan ang panalo ng Bulldogs. (Marivic Awitan)