KAHIT super busy sa kanyang commitments sa showbiz at sa lalo pang lumalagong mga negosyo ay may panahon pa ring tumawag sa amin si Luis Manzano para iparating ang pasasalamat sa Philippine Movie Press Club sa apat na nominasyon na natatanggap niya sa Star Awards for TV na gaganapin sa December 3. 

Nominado si Luis para sa Best Male TV host (ASAP 20), Best Game Show Host (Deal Or No Deal), Best Talent Show Program host with Robi Domingo and Yeng Constantino (The Voice Kids Philippines Season 2).

Next year, tiyak mano-nominate din siya next year as host ng Celebrity Playtime dahil pinalitan niya ang kaibigang si Billy Crawford. 

Bakit nag-resign si Billy sa show? True ba ang isyu na tinanggal ito dahil nakulangan daw ang management sa kaibigan niya at siya ang ipinalit? 

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

“Ha-ha-ha! Well, Kuya Jimi, not true po. ‘Di kasi p’wede na magkasunod ang shows ng isang host lalo na kung parehong format. ‘Yun lang talaga ang dahilan,” sagot agad ng panganay na anak ni Gov. Vilma Santos. 

Banggit pa ni Luis, walang problema kay Billy kung inalis man ito sa naturang show at siya ang ipinalit.

“Walang problema sa aming dalawa. Sabi pa nga niya sa akin na kung may magtatanong nga raw sa kanya kung sino ang gusto niyang ipalit sa kanya, eh, ako raw talaga ang gusto niya. Sana huwag na nilang gawing isyu, yun,” pakiusap ni Luis. 

May nakapagbulong sa amin na medyo tumaas ang rating nang si Luis na ang host ng Celebrity Playtime, pero itinanggi agad ito ng TV host at nakiusap na huwag naman sana silang intrigahin ng kaibigan niya. (Jimi Escala)