Dyosa Pockoh (Wearing skirt, please) copy

ANG dami naming tawa habang kausap si Dyosa Pockoh, isa sa talents ni Ogie Diaz at introducing sa Viva Films movie na Wang Fam na showing ngayon. Maid ni Candy Pangilinan ang role ni Dyosa sa first movie niya at bago mag-shooting, sinabihan siya ni Direk Wenn Deramas na hindi siya ekstra sa movie na totoo naman. Wala naman kasing ekstra na umabot sa eight days ang shooting at marami ang eksena sa pelikula. Kung magkano ang talent fee niya sa first movie, hindi na sinabi ni Dyosa.

Fans ni Anne Curtis si Dyosa at galing sa tawag kay Anne na “Dyosa ng kagandahan” ang screen name na napili nilang gamitin. Si Anne na rin ang ginawa niyang peg nang pumasok siya sa showbiz.

“Hindi na siguro ako maaalala ni Anne, pero dati, noong nasa GMA-7 pa siya at nasa SOP, ako ‘yung fan niya na may hawak ng banner niya na malakas sumigaw at pumalakpak. Ang wish ko, makasama ko siya sa pelikula,” sabi ni Dyosa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sobra ang pasasalamat ni Dyosa na tinutulungan siya nina Direk Wenn at Ogie na tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging artista. Pinangarap lang daw niya dati na makasama sina Direk Wenn at Ogie at hindi siya makapaniwalang natupad na ito.

“Ang dami kong pinagdaanang audition bago dumating ang Wang Fam. Nag-audition ako twice sa PBB, pero hindi ako natanggap. Nag-audition din ako sa Clown for A Million na pinaggalingan ni Pokwang, hindi rin ako nakapasa.

Nag-audition din ako sa GMA-7, hindi rin ako pumasa. Akala ko hindi na matutupad ng dream ko, hanggang makilala ko si Tito Ogie at kunin akong talent niya. ‘Tapos, ipinatawag ako ni Direk Wenn at para na pala sa Wang Fam,” kuwento ni Dyosa.

Dahil magaling ang manager niya at tinutulungan din siya ni Direk Wenn, siguradong matutupad ang pangarap ni Dyosa na mabigyan pa ng maraming pelikula at magkapangalan sa showbiz. (Nitz Miralles)