PANIQUI, Tarlac – Isang bangkay ng lalaki, na pinaniniwalaang nakursunadahan lang ng thrill killer, ang natagpuan sa bukirin ng Barangay Sta. Ines sa Paniqui, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO3 Julito Reyno, ang bangkay ay nakasuot ng itim na pantalon, asul na T-shirt, may taas na 5’10”, kinky ang buhok, at may hiwa sa kaliwang kilay.

Dakong 4:00 ng hapon, pauwi si Ramon Relles nang napansin niya na may lalaking nakahiga sa bukid sa Bgy. Sta. Ines, na kalaunan ay nadiskubre niyang wala nang buhay.

Nakalagak sa Lotus Funeral Parlor ang bangkay, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog