winwyn copy

PATI Instagram account ni Winwyn Marquez pinasok ng mga nakapanood ng interview ng mom niyang si Alma Moreno sa Headstart ng ANC. Wala yatang Twitter, FB at IG si Alma, kaya kay Winwyn ipinarating ang saloobin ng mga nakapanood sa interview.

Ang isang nabasa naming comment, “Your mother interview with Karen Davila is viral on fb... what can you say about this... do you think it’s best na mag-withdraw na lang siya for her candidacy for her own good?”

May nag-comment din ng, “Have you watched your mom’s interview in ANC, feel sorry for her. Heaps of negative comments.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang comment ng isa pa ay, “Your mum made a huge scene on national TV... She seems to be a good person but not good enough to be running as a senator. She’s a laughing stock now on social media.”

Wala pang sagot sa mga comment sa mom niya si Winwyn, pero alam naming sumasagot siya sa mga isyu na involved siya o ang kanyang pamilya at lalo na ang kanyang ina. Hintayin natin ang reaction ni Winwyn sa panghuhusga kay Alma.

Nang makausap namin si Winwyn sa presscon ng Little Nanay, nasabi nitong pursigido si Alma na tumakbo for senator sa 2016 elections sa partido ni VP Jojo Binay. Ibang klaseng sipag daw ang nakikita niya sa ina, hindi nila ito mapipigilang tumakbo, kaya sinusuportahan na lang nila.

Samantala, girlfriend ni Hiro Peralta ang role ni Winwyn sa Little Nanay at pagmamalditahan niya si Kris Bernal na ina ng love child ni Hiro. Kontrabida si Winwin dito, pero light lang ang pagiging salbahe dahil light drama ang primetime series ng GMA-7 na nag-premiere telecast na nitong nakaraang Lunes. (Nitz Miralles)