MAKISAYA sa pinakaunang pagsasama-sama ng stars ng Kapamilya shows na Ang Probinsyano, On the Wings of Love, at Doble Kara na magdadala ng saya at magbibigay ng maagang pamasko sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong Linggo (November 22) na gaganapin sa Trinoma Mindanao Open Parking ng 4 PM.

Abangan sina Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro at iba pang cast ng pambansang teleserye ng Pinoy na Ang Probinsyano na maghahandog ng mga sorpresa para sa fans.

Hindi rin magpapahuli ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre kasama sina Albie Casiño at ang iba pang mga bida ng On the Wings of Love na siguradong magpapakilig sa mga manonood.

Kasama rin sa kasiyahan ang stars ng Doble Kara na pangungunahan nina Julia Montes, Sam Milby, Maxene Magalona, John Lapus, at Alora Sasam na mas ipaparamdam ang kapaskuhan sa Kapamilya viewers.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa mga bida ng sikat na ABS-CBN teleserye, maghahandog din ng OPM concert ang ilan sa pinakamahusay na singers ng bansa na sina Gloc-9, Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Daryl Ong, at Ebe Dancel.

Huwag palampasin ang saya at kilig na ihahandog ng cast ng top-rating teleseryes sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong Linggo sa Trinoma Mindanao Open Parking. Para sa karagdagang impormasyon, maglog-on lamang sa www.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN sa Facebook at Twitter (@abscbndotcom).