TAGUMPAY ang ginanap na 2015 Cinema One Original Awards Night noong Linggo ng gabi sa ABS-CBN Dolphy Theater lalo na’t halos lahat ng mga nanalo ay dumalo sa event.

Unexpected winner bilang Best Film ang nag-iisang animated entry sa Cinema One Originals ngayong taon na Manang Biring ni Carl Joseph Papa. Pinarangalan din ang nasabing pelikula sa dalawa pang kategorya, Best Music at Champion Bughaw Award.

Ang pelikula ay tungkol sa buhay ni Manang Biring, isang matanda na may stage four breast cancer na makakatanggap ng isang liham mula sa isang kamag-anak na gusto siyang makasama sa nalalapit na Pasko.

“Nagbakasakali lang ako na mapili ang Manang Biring sa Cinema One Originals dahil gusto kong matupad ang pangarap namin na makagawa ng full-length animated film,” kuwento ni Carl.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Nagpapasalamat ako sa Cinema One Originals dahil binigyan nila kami ng pagkakataon na magawa ang aming project. Sana mas mapanood pa sa maraming sinehan sa Pilipinas ang Manang Biring.”

Apat naman ang nakuhang awards ng pelikulang Hamog ni Direk Ralston Jover, na tumatalakay naman sa kuwento ng apat na batang lumaki sa lansangan.

Naiuwi ng Hamog ang Best Editing, Best Supporting Actor, Best Actress, at Jury Prize Award.

Speechless ang dalawang newcomers mula sa Hamog sa pagtanggap nila ng award sa stage. Napaluha si Therese, 15, nang tanggapin ang kanyang pangalawang Best Actress award sa kanyang career at lubos na nagpasalamat kay Direk Ralston para sa kanyang award-winning performance.

“Serious po ang role ko sa Hamog. Very thankful po ako kay Direk Ralston dahil sa kanyang tulong at mentorship para magawa ko nang maayos ang role ko,” ani Therese. “Hindi ko po talaga in-expect ito. Hindi nga po ako nakapag-prepare ng maayos na speech. Thankful lang po ako sa aking management, sa aking mga magulang, at kay Lord,” dagdag pa ni Therese.

Binigyang parangal din sina Rox Lee, Joey Agbayani, Mike at Johnny Alcazaren, Nick Deocampo, at Raymond Red, ang mga tinaguriang haligi ng Philippine alternative cinema.

Ang Cinema One Originals ay taunang film festival na nagbibigay ng pagkakataon ang talentadong Pinoy storytellers na isapelikula ang kanilang mga kuwento, at nagsimula noong 2004. Isa itong local independent film festival ng Cinema One, ang cable channel na bahagi ng Creative Programs, Inc., isang subsidiary ng ABS-CBN.

Ito kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 2015 Cinema One Originals Films Festival:

Jury Prize winner: Hamog, Ralston Jover

Best Film: Manang Biring, Carl Joseph Papa

Best Actress: Therese Malvar, Hamog

Best Actor: Dino Patrano, Baka Siguro Yata

Best Supporting Actress: Chai Fonacier, Miss Bulalacao

Best Supporting Actor: Bor Lentejas, Hamog

Best Director: Dayang Asu, Bor Ocampo

Best Screenplay: Miss Bulalacao, Ara Chawdhury

Best Cinematography: Dayang Asu (Albert Banzon)

Audience Choice: Baka Siguro Yata, Joel Ferrer

Best Sound: Bukod Kang Pinagpala (Jess Carlos)

Best Music: Manang Biring (Dinno Christopher Parafina)

Best Editing: Hamog (Charliebebs Gohetia)

Best Production Design: Bukod Kang Pinagpala (Harley Alcasid)

Champion Bughaw Award: Manang Biring

(REGGEE BONOAN)