FullSizeRender(20) copy

EXCITED na yata ang lahat sa pagsisilang ni Marian Rivera ng first child nila ni Dingdong Dantes, si Baby Letizia Gracia Dantes.  

November 16, 17 or 18 ang expected date ni Marian. Kaya naman noong Sunday na nabalitang si Dingdong muna ang papalit sa kanya sa “Judge MD” segment niya sa Sunday Pinasaya, sabi’y tinanggihan nito ang offer. Paano nga naman kung habang nagso-show siya ay biglang tumawag si Marian para samahan na siya sa ospital?

Pero noong Lunes, November 16, bago naghatinggabi, kumalat ang balita sa social media na nagli-labor na raw si Marian. Nanggaling daw ito sa isang grupo ng fans nina Dingdong at Marian. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang unang text na natanggap namin na nagtatanong kung totoong nagli-labor na si Marian ay mula sa Dubai, sa Hong Kong at sa USA. Umamin naman sila na may nagbalita rin sa kanila kaya nakiusap sila sa ibang fans na hintayin na lamang ang update nila bago mag-post sa kanilang social media accounts.

Ang tinawagan namin to confirm ay ang manager ni Marian na si Rams David na sumagot naman agad ng, “Hehehe, nasa house tulog.”  

Nag-promise si Ateng Rams na tatawagan kami if totoo nang magsisilang na si Marian.

Malay natin, baka paglabas nitong article namin, nakapagsilang na nga si Mrs. Marian Gracia Dantes ng baby girl nila ni Dingdong. (NORA CALDERON)