ISANG Pinoy ang sumisikat ngayon sa industriya ng pelikula dahil sa kahusayan sa fashion design. Sa katunayan, disenyo niya ang magandang evening gown na isinuot ng leading lady ni Daniel Craig sa bagong James Bond movie na Spectre.

Sa panayam ng Balita kay Lesley Mobo, sinabi niyang nagulat siya nang itampok sa Spectre ang isa sa kanyang mga disenyo.

Sa eksena ng kanilang dinner date, isinuot ng leading lady ni Daniel na si Lea Seydoux ang evening gown na tinatawag ni Mobo na Salma Dress.

Ayon kay Mobo, naka-display ang Salma Dress sa pinagtatrabahuhan niyang shop sa London. Nagustuhan naman ang gown ng namamahala sa wardrobe para sa Spectre, kaya ipinasuot ito kay Lea – at suot din ito ng aktres sa lahat ng ad ng pelikula sa buong mundo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang Salma Dress ay maaaring mabili online sa halagang P16,000.

Nakapagdisenyo na rin si Mobo ng mga damit para kina Lady Gaga at Rihanna, na ginamit ng dalawang singer sa kanilang concerts.

Nakagamit na rin si Rachelle Ann Go ng design ni Mobo sa ilang pagtatanghal ng Miss Saigon star sa London.

(JUN AGUIRRE)