Patay ang isang 25-anyos na lalaki makaraan siyang tadtarin ng bala ng hindi nakilalang suspek sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Mubarak Mamintal, vendor, tubong Marawi City, at residente ng 11th Street, sa Port Area.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide, dakong 1:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Vargas Compound, 12th Street sa Port Area.

Sa salaysay ng testigo na si Ali Asgar, nagulantang siya mula sa mahimbing na pagtulog nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa ‘di kalayuan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Lumabas si Asgar upang tingnan ang pinagmulan ng putok at dito niya nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo nito. (Mary Ann Santiago)