ZAMBOANGA CITY – Nasugatan ng isang hindi pa nakikilalang suspek ang isang kandidato sa pagka-bise alkalde at dating konsehal ng Isabela City, Basilan sa isang tangkang pagpatay nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Sihon Anji Indanan, 45, dating konsehal ng Isabela City, Basilan, at kandidato sa pagka-bise alkalde ng lungsod.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Indanan ang kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek, dakong 12:20 ng umaga nitong Linggo, pagsapit niya sa Father Salvador Street sa Barangay Santa Maria sa siyudad na ito.

Mula sa likuran, dalawang beses na binaril ng suspek si Indanan gamit ang isang .45 caliber pistol bago tumakas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Nonoy E. Lacson)