Magpapatupad ng limitadong biyahe ang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa dalawang araw na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa Metro Manila.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng PNR, paiiralin pa ang normal na operasyon ng mga tren ngayong Martes, Nobyembre 17.

Magsisimula ang biyahe ng tren sa ganap na 5:05 ng umaga, hanggang 7:05 ng gabi, para sa rutang Tutuban-Alabang, habang ang Alabang-Tutuban ay bibiyahe simula 5:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi.

“PNR will follow its holiday schedule—or having one-hour intervals for northbound and southbound trains—during the APEC summit on November 18 and 19,” saad sa pahayag ng PNR.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Magbabalik naman sa regular na operasyon ang PNR sa Nobyembre 20. (Bella Gamotea)