Jasmin Curtis Smith copy

MAKAKASAMA pala ni Claudine Barretto si Jasmin Curtis Smith sa soap dramang gagawin niya sa TV5.

Yes, Bossing DMB, pagsasamahin ni Boss Vic del Rosario ang dalawang aktres na hinahanapan pa ng leading man. Ayaw pang sabihin ng aming source kung ano ang titulo ng soap drama nina Claudine at Jasmin.

Ayaw din niya kaming bigyan ng detalye kung remake ba ito o bagong serye dahil nga remake ang Ang Panday na gagawin ni Richard Gutierrez sa TV5 din. “Bukas (ngayong araw) pa kasi malalaman ang final answer kung anong project ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Baka kasi may pagbabago, baka makuryente ka pa,” katwiran sa amin.

Oo nga naman. Samantala, nag-last taping na si Jasmin sa My Fair Lady na hindi man lang namin naramdaman na ipinalabas na pala dahil walang ingay.

Huli naming narinig na isyu sa My Fair Lady ay nang atakehin si Direk Ricky Rivero habang nagti-taping ng pilot episode at isinugod sa ospital.

‘Katawa lang dahil malapit na palang magtapos ito, bakit walang balita? (Reggee Bonoan)