AlDub & kalyeserye cast copy

IBA rin kapag kasama mo ang mahuhusay na aktor, no dull moment sa show. Pinagsama ba naman noong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga ang itinuturing nang icon ng Philippine movies, si Eddie Garcia at si Ai Ai delas Alas. Ang husay-husay mag-ad lib ni Manoy Eddie.

For sure, wala rin siyang script, binigyan lang siya instruction kung ano ang mangyayari sa celebration kunwari ng birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola), na inihanda nina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Yaya Dub (Maine Mendoza), at special guest si Alden (Richards).

Dumating si Lola Babbah vda de Faulkerson (Ai Ai) sa birthday party na hinahanap ang apong si Alden. Siyempre, laglagan ang dalawang lola na ayaw magpatalo sa isa’t isa. Ipinakilala ni Alden sa kanyang lolong dumating, si Don Eduardo Rockffeler na kapatid ni Lola Babbah, sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso, pero magkaibigan lamang sila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pabebe wave si Don Eduardo kay Yaya Dub at nagtanong kung kaibigan o kasintahan na siya ng apo. Tuwing tatawagin niya si Lola Nidora, kung anu-anong name ang sinasabi niya at lagi siyang kinukorek ni Lola Babbah. Isa raw artista ang kapatid niya, kaya si Don Eduardo, nag-promote pa.

“May ginagawa akong teleserye ngayon, Nidora, sana panoorin mo,” sabi ni Don Eduardo. “Ginagawa ko ang Little Nanay na kasama ko si Ms. Nora Aunor at si Ginoong Bembol Roco, si Kris Bernal ang Little Nanay at mapapanood na ito ngayong Lunes ng gabi, pagkatapos ng Marimar.”

Pagkatapos ng mga pagbati sa birthday ni Nidora, nagsalita na si Lola Babbah.

“Noong birthday ko ay binigyan mo pa ng time ang apo kong si Alden para hanapin ang nawawalang singsing, the ring. Ngayong birthday mo naman, ikaw ang bibigyan ko ng chance na mabuo ang perang kailangan mo para matubos ang mansiyon mo na nakasangla sa aming pamilya ng dalawampung milyong piso. At iyong singsing, kung hindi na makikita ni Alden, babayaran na lamang namin, magkano ba ang singsing?”

“Ang singsing ay nagkakahalaga ng dalawampu’t isang milyong piso.”

Nanlaki ang mga mata nina Lola Babbha at Don Eduardo, ibig sabihin, mababawi na ni Lola Nidora ang mansiyon, may tubo pa siyang isang milyong piso? 

Kung papayag sina Lola Babbha, paano na ang singsing na sabi’y dapat ibigay ni Alden sa babaeng makakasama niya sa buhay at patutunayan na talagang may forever? Ngayong Lunes, isi-celebrate naman nina Alden at Yaya Dub ang kanilang 4th monthsary. Ma-resolve na kaya ang problema sa kanilang mga lola? (Nora Calderon)