Nagsampa ng reklamo ang koponan ng Mahindra laban sa isang opisyal ng PBA dahil umano sa mga masasamang salita na sinabi nito sa isa sa kanilang player nang maglaro ito kontra Alaska sa Dubai kamakailan.

Sa pahayag ng team manager ng Mahindra na si Eric Pineda sa Spin.ph na naghain na sila ng kaso laban kay Art Herrera sa pagsasalita nito ng hindi maganda kay LA Revilla, ng Mahindra team.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni PBA technical supervisor Romy Guevarra na ang bulgar na lengguwahe sa laro ay hindi dapat na sinasabi ng isang opisyal kahit na nga ito kumprontahin pa ng mga coach at mga manlalaro.

“Naku, masama yun. Nung panahon ko dun (sa PBA), isususpinde ko ‘yan ‘pag nalaman kong nagmura siya sa player o any team official. Kahit murahin ka ng ilang ulit, ‘wag kang gaganti ng mura. Kasi, pareho na kayong nagmura, pangit ‘yun,” ang sabi nito.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

“Hindi maganda na referee ka, mumurahin mo ‘yung player. Kung minura ka, technical-in mo. ‘Yan ang kabilin-bilinan ko sa mga referee, bawal ang arogante. Sinasabi ko sa mga team officials ‘yan, isumbong sa akin,” dagdag pa ni Guevarra.

Muntik nang talunin ng Mahindra ang Alaska sa kanilang laro sa Al Wasl Sports Club sa Dubai.

Gayunman, nagawa pa rin ng Aces na makabawi at manalo sa iskor na 98-94. (AbsCbn Sports)