INIGO AT PIOLO copy

BUMULAGA sa amin kahapon ang link na ipinadala sa aming Facebook account ng isa sa dati naming patnugot sa pahayagan na may titulong, “Piolo Pascual admits he’s gay!” sabay tanong sa amin ng, “is this true?”

Siyempre, Bossing DMB, may I call kami kaagad sa mga kakilala naming malapit kay Piolo na nagulat din sa marami na ring nagsi-share sa kanila ng naturang link na nang i-check namin ay umabot na sa mahigit 3,000 ang nag-like at 12.8K ang nag-share.

“Oo, nakita ko na ‘yan, may nag-share sa akin, ‘tapos nu’ng binuksan ko, hayun, virus pala, biglang nag-Mckeeper ang laptop ko, hindi ko na tuloy mabuksan. Nu’ng i-check ko sa phone ko, hindi ko na makita, ‘wag mo buksan baka ma-virus ka rin,” paliwanag sa amin ng taong malapit kay Piolo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Balik-tanong namin, bakit paulit-ulit na lang ang isyung ito at walang katapusan? At ang nakakagulat ay naka-quote pa kunwari ang aktor sa sagot sa tanong kung alam na ng anak niyang si Iñigo Pascual ang isyung gay siya.

Ang sabi raw ni Piolo, “He knows, kinausap ko before he even joined showbiz. Turns out, alam na pala niya. Kailangan na lang daw niya ng confirmation from me. I’m glad. I’m glad he accepts me.”

At sa tanong ulit kung bakit nagtapat na ang aktor, “I don’t want to hide anymore. Wala na ‘kong paki kung ano’ng sabihin nila. [After] 21 years in showbiz, all I want is to be free and be with who I want to be with.”

Inusisa namin sa taong malapit sa aktor kung ano ang hakbang na dapat gawin sa online o website na naglalabas ng mga imbentong kuwento.

“Hindi mo alam kung sino’ng hahabulin mo, eh, hindi naman sila nagpapakilala, pero siyempre nakakainis din, pero sa mga may alam sa mga ganyan (online/bloggers/website), alam naman nila kung ano ang totoo,” katwiran ng kausap namin.

Sumasabay na naman ang isyung ito dahil, ”maganda at mabango na naman kasi ang career ngayon ni Piolo kaya pilit na naman siyang ibinababa,” say naman ng isa pang taong malapit sa aktor.

At ang masasabi namin sa gumawa ng imbentong isyu, kung talagang matapang ka, magpakilala ka nang harapan, hindi ‘yung nagtatago ka. (REGGEE BONOAN)