Ginebra_10_Dungo,jr_011115 copy

Mga laro ngayon Philsports Arena

3 pm Barako Bull vs.Meralco

5:15 pm San Miguel Beer vs. Ginebra

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

San Miguel Beer vs. Barangay Ginebra.

Magtutuos ngayong araw na ito ang defending champion San Miguel Beer kontra crowd favorite na Barangay Ginebra sa tampok na laro ng 2016 PBA Philippine Cup sa Philsports Arena, Pasig City.

Tatangkain ng SMB na masungkit ang pamumuno. Sa kasalukuyan, nasa 4-way tie sa liderato kapantay ng Alaska, Rain or Shine at Globalport kung kaya’t sasagupain ng Beermen ang Gin Kings na naghahangad namang masundan ang naitalang unang panalo makaraan ang tatlong talo.

Manggagaling ang Beermen sa 93-83, na paggapi sa Blackwater noong nakaraang Nobyembre 11 na nagbalik sa kanila sa winning track matapos malasap ang unang pagkabigo sa ikatlo nilang laro sa kamay ng Rain or Shine.

“I knew every game will not be easy for us.They (players) just have to step up especially in our defense,” pahayag ni Beermen coach Leo Austria.

Muling sasandalan ni Austria para sa puntirya nilang ikaapat na panalo sina Junemar Fajardo,Alex Cabagnot, Arwind Santos at Chris Ross.

Sa kabilang dako, aasahan naman ni coach Tim Cone upang masundan ang nauna niyang panalo bilang head coach ng Kings sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Inungusan ng Kings ang Aces sa nakaraang laban nila na ginanap sa Dubai, 93-92, para makahanay sa winner’s column.

Mauuna rito, umiwas na lalo pang mabaon sa ilalim at bumagsak sa ika apat na sunod na kabiguan ang tatangkain ng Meralco sa pagharap nila sa Barako Bull sa pambungad na laro ganap na ikatlo ng hapon.

Gaya ng kanilang katunggali, galing din ang Energy Cola sa pagkatalo sa nakaraan nilang laro sa kamay ng Globalport kaya pihadong makikipagdikdikan din ito sa Bolts para makabalik sa winner’s circle. (MARIVIC AWITAN)