GERONA, Tarlac - Dahil hindi matanggap ng isang 37-anyos na lalaki ang planong pag-a-abroad ng kanyang misis, ipinasya niyang magpatiwakal sa Barangay Rizal, Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang nagbigti na si Ferdinand Barles, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawang Barles tungkol sa plano ng ginang na magtrabaho sa abroad na labis na dinamdam ng lalaki.

Magdamag umanong hindi nakatulog si Ferdinand sa tinutuluyang kubo hanggang sa matagpuan siya ng ina na nakabigti. (Leandro Alborote)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae