May 31 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria ang umuwi sa bansa sa ilalim ng mandatory repatriation program ng Pilipinas kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dakong 3:10 ng hapon nitong Miyerkules, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang grupo ng OFW na sakay ng Qatar Airways flight QR 926.

Ang mga umuwing OFW ay nagtrabaho at nanirahan sa Latakia, Tartous, Aleppo at Damascus sa Syria na humingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas sa Damascus.

Sinagot ng International Organization for Migration (IOM) sa Damascus ang kanilang mga tiket sa eroplano.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa kanilang pagdating, kabuuang 5,668 Pilipino mula sa Syria na ang napauwi, 2,696 dito ay tumawid sa hangganan sa Lebanon sa tulong ng Embahada sa Beirut.

Nananatili sa Alert Level 4 ang Syria at patuloy ang panawagan ng DFA sa mga kababayan na umuwid na sa bansa.

(Bella Gamotea)