Nobyembre 11, 1918, dakong 5:00 ng umaga, nang lumagda ang Germany sa isang armstice agreement sa Allied forces sa loob ng isang kotse sa Compiegne, France—at winakasan nito ang World War I. Nahaharap ang Germany sa hindi maiiwasang pagkagapi, dahil sa kakulangan ng tauhan at kagamitan.

Nasa siyam na milyong sundalo ang napatay, at 21 milyong iba pa ang nasugatan, noong World War I. Ang magkakaalyadong Axis (“central”) na Germany, Austria-Hungary, at ang mga bansang Allied na France at Great Britain ay kapwa namatayan ng milyong tauhan. Nasa limang milyong sibilyan naman ang nasawi sa iba’t ibang sakit at sa pagkagutom.

Noong Hunyo 28, 1914, binaril at napatay si Austria-Hungary Archduke Franz Ferdinand, na tagapagmana ng trono, kasama ang kanyang asawa, ng Bosnian Serb na si Gavrilo Princip sa Sarajevo, Bosnia. Pinangangasiwaan noon ng archduke ang imperial armed forces ng kanyang tiyuhin sa Bosnia at Herzegovina, binalewala ang banta ng mga militanteng Serbian.

Hulyo 28, 1914 nang nagproklama ng digmaan ang Austria-Hungary sa Serbia, at sumiklab ang alitan ng pinakamakakapangyarihan sa Europa.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian