BINATI namin si Mother Lily Monteverde dahil umabot na sa P110M ang kinikita ng prinodyus ng kanyang Regal Entertainment na Prenup movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Maganda ang mood ni Mother Lily kaya naman panay din ang promote niya ng No Boyfriend Since Birth (NBSB) na ipalalabas na simula bukas. Sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang bida sa NBSB na si Jose Javier Reyes naman ang direktor.

Feel-good movie ang NBSB, tungkol sa mga babaeng naniniwala sa hula na ang lalaking gustung-gusto nila ay siya rin nilang makakatuluyan pagdating ng panahon.

High school crush ni Carla si Tom na unaware naman sa feeling ng dalaga. Si Mike Tan na schoolmate rin nila ang may gusto kay Carla, pero dinidedma niya kasi nga si Tom ang gusto niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa school fair, may kinutsabang fake na manghuhula si Mike para kunwari’y hulaan si Carla na may lalaking magkakagusto at makakatuluyan niya pagka-graduate nila ng college. Umasa si Carla na si Tom iyon, pero si Mike ang tinukoy, siyempre.

Nagkita naman sana uli sina Carla at Tom pero iba ang napag-uusapan nila. Gayunman, asang-asa pa rin ang dalaga na mapapansin siya ng crush niya.

Nang magkaroon sila ng high school reunion, nakita uli ni Carla ang pekeng manghuhula na ibinuking na binayaran lang ni Mike ang hula nito sa kanya.

Happy ending ang No Boyfriend Since Birth dahil sina Carla at Tom din naman ang nagkatuluyan sa huli.

Aliw sina Carla at Tom dahil para silang aso’t pusa na hindi magtagpo kung ano talaga ang hinahanap at lumutang ang papel na designer ni Mylene Dizon as Ms M (Maleficent) at malaking tulong din sina Bangs Garcia at Ricci Tan bilang mga kaibigan. Kasama rin sina Al Tantay at Arlene Muhlach bilang magulang ni Carla.

Napansin lang namin, parang malusog yata si Carla sa pelikula o baka sadyang pinataba siya para sa papel niyang desperadang magkaroon ng boyfriend? (REGGEE BONOAN)