KATAKUT-TAKOT na kantiyaw ang inaabot ng aktor sa mga kapwa aktor sa isang show dahil simula raw nang maging girlfriend niya ang wannabe actress na produkto ng reality show ay naging branded na lahat ang suot niya.

Ilang beses na rin naming nainterbyu ang aktor na simple lang talaga siya noong una at maayos naman ang mga gamit kasi nga sponsored ang kanyang damit ng kilalang clothing apparel.

Bukod dito ay tumutulong siya sa pamilya niya at nag-iipon din para sa future niya.

Kaya talagang nagulat ang mga katrabaho ng aktor ngayon dahil branded, as in Italian brand ang lahat ng mga gamit niya -- mula sapatos, belt at bag, at ang mga damit ay hindi na ang brand na ini-sponsor niya. Ang mga relong gamit niya ay super mamahalin na rin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Anak-mayaman ang kanyang girlfriend na wannabe actress na produkto ng reality show kaya iniisip ng mga katrabaho ng binata na ito ang nagbibigay ng branded na mga gamit niya kahit siya naman siguro mismo ang bumibili.

Pero maging kami man ay napapaisip dahil wala namang masyadong project ngayon si actor, kaya paano siya nakaka-afford bumili ng mga mamahaling pamporma niya ngayon. (Reggee Bonoan)