Pitong koponan ang nakatakdang magsasalpukian upang makasama ng dalawang koponan ng Ateneo de Davao sa gaganaping national finals ng SBP-Passerelle twin basketball tournament sa idaraos na Visayas Regional finals ng Best Center event na itinataguyod ng Milo sa Nobyembre 8-9 sa University of St. La Salle gym sa Bacolod.

Ang mga koponang nakapasok sa qualification ng nasabing SBP regional finals ay ang Ateneo de Iloilo, University of the Visayas para sa Cebu, Colegio de la Purisima Concepcion para sa Roxas City at St. John’s Institute para sa Bacolod.

Maghaharap naman para sa regional Passerelle crown ang Sun Yat Sen High School ng Iloilo, Sacred Heart School-Ateneo de Cebu, College of St. John ng Roxas City at ang Bacolod Tay Tung High School.

Ang mga nag-organisa ng nasabing twin tournament ay sina Kristoffer Recio ng Iloilo, Enrico David Navarro ng Cebu, Ronnie Degala ng Roxas City at Joane Soto ng Bacolod.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Kapwa napanalunan ng Ateneo de Davao ang Small Basketeers Philippines at ang Passerelle crowns sa idinaos na Mindanao Regionals sa Almendras gym kamakailan.

Samantala, nakatakda namang idaos ang Luzon qualifiers sa darating na Nobyembre 28-29 sa University of the Assumption sa San Fernando habang gaganapin naman ang National Finals sa Baguio sa susunod na buwan.

(MARIVIC AWITAN)