angel-luis-vilma_PLEASE CROP copy

ISA si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa hiningan ng payo ni Angel Locsin bago siya nagdesisyon na umurong sa assignment bilang bida sa Darna na ididirihe ni Erik Matti for Star Cinema.

Ayon kay Gov. Vi, siya ang nagpayo kay Angel na huwag nang gawin ang naturang pelikula kung ang magiging kapalit naman ay ang pagsugal o paglubha ng nararamdaman niyang sakit sa kanyang likod.

Binanggit din ni Ate Vi na hindi dapat manghinayang si Angel dahil nasubukan na rin naman ng kanyang magiging daughter-in-law ang pagganap bilang Darna.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sabi ko sa kanya, kahit anong mangyari, eh, hindi na p’wedeng mabura ang pangalan niya sa mga aktres na nagiging Darna sa pelikula man o sa TV. Kumbaga, kahilera na rin naman namin si Gel sa mga artistang Darna,”sey ni Ate Vi.

Ipinayo rin ni Ate Vi kay Angel na huwag isusugal ng aktres ang sarili dahil siya rin mismo ang makakaranas ng hirap sa gagawing stunts sa Darna.

“’Wag na niyang panghinayangan ang role na ‘yun, marami pa rin namang magagandang role o pelikula na maaari niyang gawin,”sey pa ni Ate Vi.

Hindi ba napag-usapan nina Ate Vi at Angel ang tungkol pagpapakasal nila ng kanyang panganay na si Luis (Manzano)?

“Well, tungkol sa bagay na ‘yan, eh, nasa kanilang dalawa na ‘yan ni Luis. Kung anuman ang magiging desisyon nila, eh, okey lang naman sa amin. At nakasuporta naman kami ng Tito (Sen.) Ralph (Recto) niya. Pero sana madaliin na nila, kailangan mabigyan na nila ako ng apo,” napatawang sagot ng nagdiwang ng 62nd birthday last Nov. 3.

Samantala, ayaw pa ring sumuko ang fans ni Angel, panay pa rin ang pananawagan nila sa Star Cinema at kay Direk Erik Matti na sana ay hintaying gumaling ang back injuries ng aktres para magawa niya ang Darna.

Dalawang taon daw namang pinaghandaan iyon ni Angel. May mga nagpapayo kay Angel kung ano ang dapat niyang gawin, kung sinong doctor at chiropractor ang dapat niyang lapitan. But for sure, alam na ni Angel ito kaya panay na ang boxing niya.

Magkasama sina Ate Vi at Angel with Xian Lim sa All of My Life movie na pang-opening salvo ng Star Cinema sa 2016.

May gagawin pang movie si Angel with Coco Martin na ididirihe ni Olive Lamasan at kasama rin sa kontrata niya ang isang teleserye na sisimulan na rin niya next year. (JIMI ESCALA)