AlDub
AlDub
TAMPOK ang dalawa sa malalaking love teams ng GMA Network sa bago nilang Christmas Station ID, sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang Phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Panay ang tanong ng DongYan fans kung kasama pa raw si Marian sa Christmas Station ID dahil nga magsisilang na ito ng panganay nila ni Dingdong, si Baby Letizia any day ngayong November. Of course, ang sagot ng aming source, at nai-shoot na silang mag-asawa.

Humirit din ng tanong ang AlDub Nation sa Twitter kung kasama na sina Alden at Maine sa Christmas Station ID.

Hindi naman sila nabigo dahil siyempre, puwede bang mawala ang bagong magka-love team?

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ayon sa aming source, nang makausap namin bago ang shoot, medyo nahihirapan lamang silang mag-shoot dahil gagawin ito sa isang lugar sa Manila. Hindi naman niya sinabi sa amin ang concept ng shoot dahil sekreto raw.

Anyway, natuloy din ang shoot nina Alden at Maine, kasama ang mga lola na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paulo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo).

Kaya ito ang isa na namang aabangan, ang GMA Christmas Station ID na kasama ang bumubuo ng GMA Network, mula sa kanilang GMA News & Public Affairs ng GMA 7 at GMA News TV at Entertainment TV (ETV) on dramas, sitcom at musical-variety shows. (Nora V. Calderon)