MAAYOS pala ang samahan nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto. Katunayan, ang huli pa ang naghahatid-sundo kay Thirdy sa school.

Yes, Bossing DMB, may taong malapit kay Jodi na nagkuwento sa amin na labis-labis ang pasasalamat ng aktres kay Iwa dahil sa pag-aalaga nito sa anak niyang si Thirdy na ang tatay ay si Pampi Lacson na karelasyon ngayon ng dating sexy star.

“Sobrang busy kasi ni Jodi sa taping ng Pangako Sa ‘Yo ‘tapos heto, nasa ibang bansa pa sila for the Kapamilya show, so si Thirdy naiiwan kay Pampi, eh, busy naman si Pampi sa negosyo niya at parating out of town kaya si Thirdy, naiiwan kay Iwa.

“Si Iwa ang naghahatid-sundo kay Thirdy sa school at si Iwa rin ang personal na nag-aasikaso sa bagets, sa gamit at baon nito plus assignments.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Kaya okay na okay sina Iwa at Jodi, panay din naman ang check ni Jodi kay Thirdy kapag nasa work siya, wala naman palya ‘yun at ipinaliliwanag ni Jodi na may work siya at naiintindihan naman ni Thirdy. Mabait na bata si Thirdy,” kuwento pa ng aming source.

At heto pa ang nakakatuwa, “Alam mo ba, si Iwa pa ang may ID with picture ng school ni Thirdy na puwedeng sumundo kaysa kay Pampi. Minsan sinundo raw ni Pampi ang anak, hindi siya pinapasok kasi walang ID, ha-ha-ha.”

Hindi naman sinabi ng aming kausap na off-the-record ang kuwentuhan namin kaya isinulat namin at para malaman din ng lahat na in good terms ang dalawa at para matapos na ang mga tsikang hindi sila okay.

Hinihintay na lang na matapos ang annulment case nina Jodi at Pampi na hindi pa pala tapos.

Bakit nga ba ang tagal mapawalang bisa ng kasal nina Jodi at Pampi, e, matagal na silang hiwalay at pareho naman silang nakikipag-cooperate para mapadali ang kaso?

“Eh, kasi sikat si Jodi, alam mo naman ang batas dito sa atin, kapag sikat ang mga artista, matagal kasi kung anu-anong kaeklatan kuno ang iniimbestigahan. Pero kung hindi sikat, ‘kita mo ang bilis, isang taon lang, tapos na,” katwiran sa amin.

Ganu’n ba ‘yun? Napaisip tuloy kami sa naging kaso naman nina James Yap at Kris Aquino. Tumagal din ba iyon, Bossing DMB?

(Anofangava! At napakagastos. –DMB) (REGGEE BONOAN)