Patay ang dalawang tambay matapos pagbabarilin ng hinihinalang miyembro ng street gang sa Quezon City, Martes ng hatinggabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jobenir Garcia, 26, at Jesus Yongco, 25, pawang residente ng Barangay Sto. Cristo, Quezon City. Idineklara silang dead–on- arrival sa ospital dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan at ulo.

Pinaghahanap na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

Lumitaw sa imbestigasyon ng CIDU, naganap ang pamamaril sa Samar Street ng nasabing barangay. Nakatayo sina Garcia at Yongco sa bangketa nang sumulpot ang armadong suspek at niratrat ng bala ang mga biktima.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iniutos na ni QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo G. Tinio sa lahat ng station commander sa lungsod na palakasin ang police visibility sa kanilang hurisdiksyon para masugpo ang kriminalidad.