PHENOMENAL ang naging success ng Menudo noong 1980s. Nakilala ang grupo hindi lang sa Latin region na roots nila kundi sa buong mundo at nagkaroon ng milyun-milyong fans sa Amerika, Europe, Japan, Pilipinas at marami pang bansa.

Ang kanilang tagumpay ay nagbigay din sa kanila ng multilingual album covers, major deals and commercials with brands like Pepsi Cola. Hanggang ngayon, nananatiling untouched ang record ng Latin boy band sa larangan ng record sales, concert attendance at appearances.

Sa kasaysayan ng boy bands, Menudo ang may pinakamaraming naging member na umabot sa 37. Bawat member kasi ay kinailangang umalis sa grupo sa kanilang pagtuntong sa 16 na taong gulang.

Sa Sao Paulo Brazil, mahigit 200,000 ang nanood ng kanilang concert at sa Mexico ay umabot naman ng 500,000.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Noong April 11, 1985, nag-concert ang Menudo sa Pilipinas. Isa sa very memorable acts ng concert ang opening number ng ipinagmamalaking performer ng Pilipinas na si Lea Salonga.

Pagkatapos ng 30 taon, muling magbabalik sa Pilipinas ang Menudo para sa kanilang reunion concert na magaganap on Dec. 15 sa Araneta Coliseum – ang venue ng kanilang concert dito.

Kabilang sa magpe-perform ang mga dating Menudo members na sina Rene Farrait (1977-1982), Charlie Masso (1982-1987), Miguel Cancel (1981-1983), Ray Reys (1983-1985) at Robert Avellanet (1988-1991).

Kakantahin ng grupo ang kanilang classic hits tulad ng Explosion, If You’re Not Here, Lady at I’m Coming Back to Manila at maraming iba pa.

Available na ang tickets ng kanilang concert sa Ticketnet. Para sa iba pang mga impormasyon, maaaring bisitahin ang www.lmmusicagency.com. (REMY UMEREZ)