enrique at liza

MARAMI ang na-shock nang halikan ni Vice Ganda si Karylle sa labi sa harap ng madlang pipol na nanood sa Smart Araneta Coliseum sa ginanap na 6th year Anniversary ng It’s Showtime.

Oo nga naman, ano nga ba nangyari kay Vice?

Sa naturang production number, nakapanlalaking attire at kumanta ng I Kissed A Girl si Vice na tila sinunod ang lyrics, shocked pagkakita pero riot sa tawanan sa sobrang tuwa ang Vicerylle fans sa ginawa ng TV host/comedian.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Oo nga, kung hindi mo iisipin bading si Vice, may chemistry din naman sila ni Karylle kahit may asawa na ang huli.

Anyway, kitang-kita na nabigla si Karylle sa ginawa ni Vice, dahil nawala ang poise, pero nagkatawanan na lang din sila at nagbiruan pa. Tiyak na natawa rin ang asawa ni K na si Yael Yuzon na isa sa guests ng programa nang araw na iyon.

Anyway, tinanong namin si Vice kahapon tungkol sa paghalik niya kay Karylle at kung scripted ba iyon.

“’Yun kasi ‘yung sabi sa kanta, I Kissed A Girl.  Nakakatuwa na we make fans happy,” sabi ni Vice sa amin.

Binanggit namin na maraming nagulat at kung first time niyang makahalik ng babae sa labi.

“Lagi naman akong kini-kiss ng mga friends kong girls, kahit si Anne (Curtis), ‘pag trip nila akong harutin,” sagot ni Vice.

At wala naman daw negative reaction si Karylle.

“Keri lang naman si Karylle, nagbibiruan pa nga kami nina Yael sa dressing room, good vibes lang, basta happy lahat.”

Oo nga, haping-hapi at hagalpakan talaga ang lahat ng nasa loob ng Big Dome noong Sabado.

Samantala, totoo nga ang sinabi ni Vice na buwis buhay siya sa opening number ng It’s Showtime kahit nagawa na niyang bumitin-bitin sa ere sa mga nakaraang concert niya.

Bagamat naka-harness at humawak sa bakal habang umaandar-andar o nawawagayway ito sa ere ay nakakatakot pa rin. Pasabog ang opening number ng hosts ng It’s Showtime na bawat isa sa ay may kanya-kanya ring production number na bago sa paningin ng viewers lalo na si Coleen Garcia na bumitin-bumitin din sa ere.

Sumayaw at lumipad-lipad din si Karylle na may kasamang split. Hmmm, kaya naman pala ni K mag-stunt.  Akala lang natin ay masyado siyang mahinhin at fragile kumilos.

Napabilib din kami ni Karylle nang gayahin niya ang kilos at mukha ni Gloc 9 sa segment na Your Face Sounds Familiar, na hindi nahulaan ng iba na siya pala ‘yung nagra-rap at kilos Gloc 9 habang ka-dueto ang asawang si Yael Yuzon na natatawa naman sa kanya. Sana sumali si K sa 3rd Season ng YFSF.

Samantala, sumakit ang eardrum namin palakasang hiyawan ng fans nang tawagin ang love teams ng Kapamilya Network. May kanya-kanyang gimik ang fans pero napansin namin na mas organisado ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) fans na may malaking streamer na may nakalagay na, ‘We Live in a KathNiel World.

Nakapalibot naman ang JaDine fans, nina James Reid at Nadine Lustre sa buong Araneta na halatang kanya-kanyang faction dahil hindi sila nakaupo sa iisang lugar katulad ng KathNiel na may pagkakaisa.

Pero hindi rin nagpakabog ang JaDine fans sa KathNiel pagdating sa sigawan at hiyawan, dahil parang kontes.

In fairness, marami ring LizQuen fans sina Liza Soberano at Enrique Gil pero nu’ng nagsama-sama na ang tatlong loveteam sa entablado, talbog ang tagahanga nila.

Maging ang KimXi fans nina Kim Chiu at Xian Lim ay parang matamlay na rin kahit na marami rin sila.

Inisip namin na baka kaunti lang ang fans ng KimXi at LizQuen na nagtungo sa anibersaryo ng Showtime kaya daig sila ng KathNiel at JaDine fans.

Aliw din ang production number ni Coco Martin nang awitin niya ang Panalangin na sabi nga ni Vice Ganda na paulit-ulit lang naman ang chorus pero kilig na kilig naman si Ms. Pastillas sa nag-iisang Probinsiyano ng showbiz.

Sa kabuuan ng programa na umabot sa apat na oras ay marami silang napasayang viewers both TV at sa Araneta kaya congratulations sa lahat ng bumubuo ng Showtime.

Ngayon pa lang, alam na namin na aabangan ang matitindi pang pasabog sa 7th anniversary nila.