NATATAWANG nabanggit ni Derek Ramsay pagkatapos ng Q and A portion sa presscon ng pelikulang Ex With Benefits na kamukha ni Angelica Panganiban ang eight year-old daughter ng model girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Tinanong kasi namin ang aktor kung nagsasama na sila sa iisang bahay ng girlfriend niya dahil nga parati silang magkasama at inihahatid siya nito sa tapings ng mga show niya sa TV5, tulad ng Happy Truck ng Bayan at ang girl pa mismo ang nagmamaneho ng kotse ng aktor.

Natawa si Derek sa tanong namin (dahil siguro napakadetalyado, kaya thank you sa aming very reliable source).

“No, we don’t live together, she has her daughter. The daughter spends time with the father, then spends time with her, so whatever we can have time together we see each other, kahit na very minimal lang ‘yung time namin. 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sophie (daughter) is eight, we were out the other day, we watched Inside Out together at alam niyang ‘kami’ (ng mommy niya), yes of course. She’s beautiful, the funny thing is she looks exactly like of Angelica Panganiban, parang manika, she’s cute,” natatawang kuwento ng aktor.

Kaya ang follow-up question namin ay kung nagkita na ba sila uli ni Angelica.

“No, I’ve never seen her,” kaswal na sagot ng aktor.

Pinayagan ng TV5 si Derek na mag-promote ng Ex With Benefits sa ilang TV shows ng ABS-CBN, kaya tinanong namin siya kung willing ba siyang mag-promote sa Banana Split sa segment ni Angelica bilang si Krissy.

“I think may plano kaming mag-promo sa Bottomline, GGV (Gandang Gabi Vice), A&A (Aquino and Abunda Tonight), Showtime and it depends on schedule dahil marami rin akong ginagawa, so gaya nito, galing ako sa taping ng Happy Truck Ng Bayan sa Caloocan,” hindi nabanggit ang Banana Split, kaya negative. 

Okay, eh, on speaking terms ba sila ni Angelica?

“I have no problem. I can’t speak on her behalf, but I haven’t bumped into her in a long time. So, pinalaki ako na magbigay ng respeto. If I see her, of course, I’ll say hi. If she doesn’t accept it, I’m not gonna take it as an insult. That’s her take on things. Sana one day, we can talk like this comfortably na and let bygones be bygones,” sagot ni Derek. 

Mukhang si Angelica lang yata ang hindi pa nakakausap ni Derek sa mgaa naging girlfriend niya, dahil okay na raw sila ni Solenn Heussaff (magkakaroon sila ng pelikula sa Regal na may titulong Love is Blind); ni Cristine Reyes na happy ngayon sa kanyang anak at present partner; at ang ex-wife at nanay ng anak niyang si Mary Christine Jolly.

Sabi ng aktor sa Q and A ng pelikula, “I wish all my exes were my friends. Ninety percent of my exes are my friends.”

At dahil tungkol sa hirap mag-move on ang kuwento ng Ex With Benefits ay natanong ang aktor kung madali ba siyang maka-move on sa naging relationships niya. 

“It’s never easy to do kung mahal mo talaga ‘yung tao. The best way to put it, kung mahal mo talaga ang ex mo, isipin mo na lang na mas masaya siya. When you see that, you will feel na she’s better off without you and happier without you. You will be able to move on yourself and find that right person for you. Kung nakikita mo na may konting chance pa, ipaglaban mo, alam n’yo naman ‘yun.

“Pero, if you can see that she is happier with someone else or she is happier that she is set free and not in a relationship with anyone, dapat masaya ka. Dahil kung hindi, sarili mo lang ang iniisip mo,” magandang paliwanag ng aktor. (Reggee Bonoan)