SAN JUAN, Batangas - Natunton ng awtoridad sa San Juan, Batangas ang ikasampung most wanted sa Quezon City.

Ayon sa report ni PO3 Amado De Torres, naaresto si Celino Namuco, 44, ng Barangay Libato, San Juan, ng pinagsanib na puwersa ng San Juan Police at Quezon City Police District, kasama ang grupo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Region 4A at National Capital Region (NCR) bandang 9:30 ng gabi noong Agosto 1.

Batay sa record ng pulisya, suspek si Namuco sa umano’y pagpatay sa Kamuning, Quezon City noong Nobyembre 2013 at sa isang kaso ng rape sa Sta. Ana sa Maynila.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'