Matteo & Sarah

MARAMI ang kinilig nang husto sa magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pero may mga tagahanga rin palang hindi pabor sa relasyon nila. 

May fans si Sarah na tasahang binanggit sa amin na hindi sila sang-ayon sa pakikipagrelasyon ng Pop Princess kay Matteo. Ang katwiran nila, hindi nila nakikita kay Matteo na handa itong ipaglaban ang idolo nila sa mga magulang ng huli, huh!

Paliwanag nila, ang tanging hangad lang naman nila ay makita na lubusang masaya si Sarah sa buhay pag-ibig pero sa nakikita raw nila ay hindi iyon naipadama ni Matteo sa idolo nila.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sabi nila, sa tagal na rin naman ng relasyon nina Sarah at Matteo, hindi pa rin nila maramdaman ang sinseridad ng huli bilang kasintahan ng idolo nila.

Pero sa panig naman ng ilang malalapit kay Matteo, meron ding hindi tanggap na si Sarah na ang babaeng ihaharap ng aktor sa dambana.

Katwiran naman ng mga ito, kahit anong gawing pakikipaglaban ni Matteo sa pag-iibigan nila ni Sarah ay hindi pa rin naman lumambot ang puso ng mga magulang ni Sarah para sa aktor. 

Kahit daw anong pagpapakumbaba at respeto ang ipakita ni Matteo para ipakita na sincere ang intensiyon niya kay Sarah ay nananatiling kontrabida ang mga ito sa pag-iibigan ng dalawa. 

At sa puntong ‘yun daw talung-talo raw si Matteo.

Pareho nang nasa wastong gulang sina Sarah at Matteo pero para silang mga menor de edad kung tratuhin ng parents ng dalaga.

Pero sa huli, tiyak namang si Sarah ang nakakaalam kung malinis nga ba ang intensiyon sa kanya ni Matteo o hindi.