MALVAR, Batangas - Patay ang isang 18-anyos na umano’y suspek sa pamamaril sa isang binatilyo matapos niyang makasagupa ang mga rumespondeng pulis sa Malvar, Batangas, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na suspek na si Enrique Vergara, taga Tanauan City.

Sugatan din at ginagamot sa Mercado General Hospital ang menor de edad na kasama ni Vergara matapos mabaril.

Ayon sa report ni SPO2 Marlon Fetizanan, dakong 9:00 ng gabi, naglalakad ang 16-anyos na si Donald Ocampo malapit sa bahay nito sa Barangay San Pedro 2, nang pagbabarilin at mapatay ito ng mga suspek.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Rumesponde si PO1 Jeoffrey De Ocampo na nauwi sa engkuwentro at nagresulta sa pagkamatay ni Vergara at pagkasugat ng kasama nito.

Nabatid pa sa report na sa nasabing engkuwentro ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang 17-anyos na lalaki na ginagamot na ngayon.