Vice Ganda

SA March 31, magsi-celebrate ng 39th birthday si Vice Ganda. Kaya lang, wala sa bansa ang It’s Showtime host dahil may US concert tour siya. Isasabay na rin niya sa trabaho ang pinangarap na US trip para sa kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang nanay at mga kapatid. 

“Bakasyon ulit with my family, gusto ko na nagbabakasyon kasama sila. Kapag may time ako at nagpupunta ako sa lugar na ‘di pa namin napupuntahan, naipapasyal ko ang nanay ko kasi ang nanay ko hindi nakakapunta ‘yan kung saan-saan kasi nagwo-work na ‘yan eversince,” masayang kuwento ni Vice.

Kaya pansamantala munang mawawala si Vice sa It’s Showtime, at si Angel Locsin muna ang papalit o pumalit sa kanya simula March 26. Malamang na sa April 6, pagkatapos ng Holy Week ay makakasama na uli si Vice ng madlang pipol.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tungkol naman sa kanyang lovelife, inamin ni Vice nang humarap siya sa entertainment press para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum (gaganapin sa May 22) na may inspirasyon siya na nagpapasaya sa kanya sa araw-araw, pero ayaw naman niyang pangalanan kung sino ang guy.

‘Di ba’t ang tsismis na ‘applle of the  eye’ ni Vice ngayon ay isang varsity basketball player ng University of Santo Tomas Growling Tigers? 

Naunawaan naman siya ng mga katoto kung umiiwas man siyang tukuyin ang name ng boyfriend niya. Iniintriga at kadalasan daw ay nauudlot kapag pinagpipistahan na sa social media. 

“(Basta)’Yung manatili akong inspired na magtrabaho araw-araw, magpatawa, ‘yung mananatili ang smile sa mukha ko at sa puso ko mas masaya na magtrabaho.”

‘Yun na, kaya read-between-the-lines na lang muna?