Janella Salvador

ISANG ‘perfect birthday celebration to remember’ ang regalong ihahandog ng Oh My G lead star na si Janella Salvador sa kanyang mga tagahanga bukas (Linggo, Marso 29) sa pagdiriwang ng kanyang ika-17 kaarawan.

Ang selebrasyon ay ang unang grand fans day ni Janella. Gaganapin ito sa Trinoma Activity Center, sa ganap na alas-singko ng hapon. Kukumpletuhin ni Janella ang araw ng kanyang supporters sa mga inihanda niyang production numbers at games na tiyak na magpapa-”Oh My G!” sa lahat. Makakasama ni Janella sa selebrasyon ang kanyang love team partner na si Marlo Mortel at iba pang espesyal na guests.

Samantala, taliwas sa magagandang nangyayari sa buhay ni Janella, malaking pagsubok naman ang hinaharap ng kanyang karakter sa Oh My G na si Sophie habang unti-unti na niyang natutuklasan ang tunay na kulay ng kanyang mga kamag-anak. Handa ba si Sophie na kalabanin ang kanyang Tito Santi (Dominic Ochoa) at Tita Lucy (Sunshine Cruz) lalo na ngayon na ang mga ito na lang ang natitirang kapamilya niya? Paano ito makakaapekto sa paghahanap niya kay Anne Reyes?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Holy Week programing ng ABS-CBN ngayong Semana Santa, abangan ang marathon special ng Oh My G sa Sabado de Gloria (Abril 4). Eere ito simula alas-dose ng tanghali.

Huwag palampasin ang lalong gumagandang feel-good drama series na nagtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos, araw-araw bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Oh My G gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.